TV

EXCLUSIVE:  Golden Cañedo, tutok sa paghahanda sa 'The Clash Concert' sa Los Angeles, California

By Aedrianne Acar

Isang musical extravaganza ang masasaksihan ng mga Kapuso sa Los Angeles, California with the “All 4 You! The Clash Concert” this October 19.

Golden Cañedo

Mapapanood ng mga Pinoy sa Arcadia Performing Arts Center, ang apat na world-class performers na sina Concert Queen Aiai delas Alas, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, and Asia's Nightingale Lani Misalucha, at The Clash 1st Grand Champion Golden Cañedo.

Sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com sa promising Kapuso singer sa ginanap sa All-new September Primetime event ng GMA Social Media Team noong September 10 sa isang mall sa Mandaluyong City, sinabi ni Golden Cañedo na thankful siya sa opportunity na ito na makasama ang mga respetadong Pinoy performers.

Wika niya, “Sobrang hindi ko inexpect kasi si Ms. Lani Misalucha, Mr. Christian, Ms. Aiai, parang ako lang 'yung nasali na baguhan, tapos L.A. kaagad. Nagpapasalamat po talaga ako na kasali ako.”

Dagdag niya na focus din siya sa paghahanda para sa big concert nila sa California.

“Practice nang practice sa mga kantang binibigay sa akin,” ani ng Kapuso singer.

Hindi rin maiwasan ni Golden na balikan ang experience niya nong sumali siya sa The Clash last year lalo na at magsisimula na ang bagong season ng reality TV singing contest.

Aniya, “Like naisip ko lang 'yung 'ako lang 'to, ganito lang ako, nakapila po ako nagre-ready'. Kinakabahan kung anong mangyayari.”