TV

WATCH: Sinong Clasher ang inihalintulad ni Lani Misalucha kay Barbara Streisand?

By Jansen Ramos

"Passion will always be first."

Lani Misalucha

'Yan ang pahayag ng 24-year-old law student na si Janina Gonzales.

Kahit abala sa law school, nakuha pa rin niyang maisingit sa kanyang busy schedule ang pagsali sa The Clash, alang-alang sa kanyang first love--ang pagkanta.

"Kahit na and'yan po ang law school, talagang hinanap-hanap ng katawan ko ang pagkanta lalo na kung singer ka," sabi niya.

Hindi naman nabigo si Janina dahil hinangaan ng The Clash panel ang kanyang performance kung saan inawit niya ang 1970s song na "New York State of Mind."

Dahil sa kanyang klarong boses, inihaluntad ni judge Lani Misalucha si Janina sa American singer na si Barbara Streisand, na may version din ng kantang "New York State of Mind."

"The first time I heard that song, ang nag-perform si Barbara Streisand. Sabi ko, 'wow.' Siyempre, favorite ko rin siya. Gandang-ganda ko sa song na 'yon, and ayan kinanta mo. Sabi ko, 'wow, napantayan mo 'yung expectation ko. That was really, really nice "New York State of Mind," ani Lani.

Panoorin ang buong performance ni Janina rito:

Law student na taga Parañaque, bakit sa Pangasinan nag-audition para sa 'The Clash?'

WATCH: Lani Misalucha, nakipag-duet kay Clasher Lorraine Galvez