TV

'The Clash' announces wildcard round; Sassa Dagdag to make an important decision

By Jansen Ramos

Dahil walang nanalo sa tapatan nina Nicole Apolinar at Mark Mendoza sa round two ng The Clash, kailangang magsagawa ng isang wildcard round para makumpleto ang Top 16.

"Sa rules ng ating show, kapag walang napagdesisyunan [ang panel] kung sino ang nanalo sa isang tapatan, mayroong magaganap na wildcard bago matapos ang round 2," paliwanag ng Clash Master na si Rayver Cruz sa episode ng The Clash noong Linggo, October 20.

Bagamat hindi idinetalye kung ano ang mangyayari sa mga susunod na tapatan, kailangang may gumawa ng isang mahalagang desisyon.

Ang 17 years old na si Sassa Dagdag ang napili ng electronic ramdomizer na magsagawa ng hakbang na ito.

WATCH: Sassa Dagdag surprises 'The Clash' panel with her version of "My All" amid flu

Malaki ang kanyang gagampanang papel dahil kung ano man ang kanyang magiging desisyon ay makakaapekto sa takbo ng kompetisyon.

Ano kaya ang magiging desisyon ni Sassa?

'Yan ang dapat abangan ngayong weekend, October 26 at October 27, sa The Clash.

Kilalanin ang unang pitong contestants na pasok sa Top 16 ng 'The Clash'