TV

Kilalanin ang mga pasok sa first screening ng 'The Clash' season 3

By Jansen Ramos

Inilabas na ng The Clash ngayong araw, July 15, ang opisyal na listahan ng mga pasok sa unang screening para sa third season ng all-original Filipino singing competition.

Mula sa iba't ibang parte ng bansa, at maging sa Australia at Amerika, 64 auditionees ang kabilang sa unang batch na masuwerteng makakatungtong sa next round.

Tingnan dito:

Sa mga nais pang sumali sa The Clash, huwag kayong mag-alala dahil extended ang online auditions para sa Kapuso singing competition.

Kung paano sumali, bisitahin lamang ang audition page ng The Clash o ang official Facebook page ng programa.