TV

Second batch ng pasok sa first screening ng 'The Clash' Season 3, kilalanin!

By Jansen Ramos

Sa pagbubukas ng bagong buwan, bagong pag-asa ang handog ng all-original Filipino singing competition na The Clash.

Ito ay dahil inanunsyo na ng programa ngayong Biyernes, August 7, ang pangalawang batch ng pasok sa first screening ng Kapuso singing competition para sa third season nito.

Base sa opisyal na listahan, 41 ang bilang ng masuwerteng tutungtong sa next round ng The Clash --12 mula NCR, 17 mula Luzon, tatlo mula Visaayas, at pito mula Mindanao.

Handa na ring sumabak sa laban ang Team Abroad dahil dalawang The Clash hopeful ang pasok sa unang screening na mula UAE at USA.

Sa kabuoan, 105 na ang bilang ng siguradong may tsansang tanghalin bilang susunod na singing idol sa bansa.

Sa mga hindi pa nakakapag-audition, maaari pa kayong humabol hanggang Linggo, August 9.

Bisitahin lamang ang audition page ng The Clash o ang official Facebook page ng programa para malaman kung paano sumali.