
Assistant unit manager na ng isang insurance company ang 23-year-old na si Eygee Paul De Vera, tubong Taytay Rizal, pero hindi pa rin siya nakalilimot sa kanyang first love--ang singing.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pag-raket ni Eygee bilang events singer at host, ayon sa kanyang Facebook account.
Ngayong pandemic kung kailan suspendido ang mga event at karamihan ay naka-work from home, naisipan niyang sumali sa The Clash sa pamamamagitan ng pag-o-audition online.
"'Yung journey ko dito sa The Clash, sobrang saya. Sobrang unexpected and sinimulan ko 'yung pagpasa ko ng audition piece ko through social media.
"Alam naman natin na dahil may pandemic, sa social media lahat ginagawa ang auditions ngayon," ika ni Eygee sa kanyang vlog para sa The Clash Cam.
"No'ng pinasa ko yung video ko, 'di ko ine-expect [na makakapasa ako] dahil matagal din bago ako na-email but, finally, I'm here sa final call back ng The Clash season three," sabi pa niya.
Sa kanyang Facebook page, ipinadinig ni Eygee ang kanyang nakaka-in love na boses, kung saan ginawan niya ng sariling version ang OPM classic na "Your Love" ng rock band na Alamid.
Si Eygee na kaya ang susunod na tatanghaling The Clash grand champion?
Abangan ang kanyang journey sa all-original Filipino singing competition tuwing Sabado, simula October 3, sa ganap na 7:15 p.m at Linggo sa ganap na 7:45 p.m.
Samantala, sa mga hindi makakanood sa telebision, maaari itong i-stream nang live sa Facebook page at YouTube channel ng programa.
onator ni Angel Locsin, pasok sa top 30 ng 'The Clash'