TV

'The Clash' top 30 contestant, inilahad ang pinagdaanang pag-iingat kontra COVID-19

By Jansen Ramos

Inilahad ng The Clash Season 3 top 30 contestant na si Mariella Sun, taga Mandaluyong City, ang kanyang mga pinagdaanang pag-iingat kontra COVID-19 para sa new normal taping ng GMA singing competition.

Ayon sa kanyang vlog para sa The Clash Cam, kinailangan daw niya at ng kanyang kapwa contestants na sumailalim sa swab testing para masiguradong ligtas sila sa virus.

"Kailangan namin talagang mag-swab test everytime that we have to go to the studio para to make sure that wala kaming COVID," ani ng 28-year-old.

Nahirapan din daw si Mariella na makahanap na transportasyon para makapunta sa GMA studio mula sa kanilang bahay sa Mandaluyong. Bukod pa rito, apektado rin ang pakikihalubilo niya sa kanyang co-Clashers dahil mahigpit na ipinapatupad ng management ng programa ang social distancing.

"Tapos 'yung naging struggle ko dito, since it's the new normal, there's a pandemic going on, mahirap kumuha ng transporation, hirap kami makipag-usap to one another kasi kailangan ng social distancing," sabi niya.

Bagamat kailangang sumunod sa health and safety protocols, na-e-enjoy naman daw niya kanyang The Clash experience.

Sa kanyang Facebook account, ipinadinig ni Mariella ang kanyang magadang tinig kung saan kinanta niya ang classic hit na "Somewhere Over The Rainbow" na inawit ng American actress na si Judy Garland para sa 1939 film na The Wizard of Oz.



Subaybayan ang journey ni Mariella sa The Clash simula ngayong Sabado, October 3, 7:15 p.m., sa GMA-7. Mapapanood din ang all-original FIlipino singing competition tuwing Linggo, 7:45 p.m.

Kung hindi man kayo makanood sa telebisyon, may live streaming ang The Clash sa official Facebook page at YouTube channel ng programa.