TV

Jessica Villarubin gets a standing ovation from Aiai Delas Alas on 'The Clash'

By Jansen Ramos

"Sa wakas, tumayo rin ako!"

Ito ang bulalas ng Comedy Queen na si Aiai Delas Alas matapos marinig ang tinig ni Jessica Villarubin sa round two ng The Clash. Inawit ng 24-year-old Cebuana ang "My Love Will See You Through" na pasadong-pasado sa panlasa ng mga hurado.

Komento pa ni Aiai, "Grabe Jessica, ito 'yung hinihintay ko. Ang tagal ko na nitong hinihintay dahil season one lang ako tumayo kay Miriam Manalo. Sesaon two hindi ako tumayo, ngayong season three lang ako ulit tumayo. So Jessica, alam mo na."

Dahil flawless ang pagkanta ni Jessica, tipid namang nagkomento si Christian Bautista tungkol sa performance ng The Clash contestant.

"Siguro, Jessica umuwi ka na. Sa finals ka na bumalik," maikling sambit ng Asia's Romantic Balladeer.

Wala ring nasabi ang guest judge na si Pops Fernandez kay Jessica kung 'di papuri.

"From the start to end, you sang with so much confidence. Alam na alam mo 'yung kanta, pinag-aralan talaga," ani ng concert queen.

Base sa mga magagandang komento ng judges, hindi na nakakagulat na pinalad si Jessica na mag-advance sa next round kasama ang kanyang mga kagrupong sina Aerone Mendoza, Kyle Pasajol, at Shanne Montero.

Panoorin ang standing ovation-worthy performance ni Jessica rito: