TV

24-year-old palabang Clasher ng Cebu, gumawa ng paraan para makalipad papuntang Maynila

By Jansen Ramos

Lubos ang kasiyahan ng 24-year-old Cebuana na si Jessica Villarubin nang makaabot sa final call back para sa third season ng GMA singing competition na The Clash.

Photo from Jessica Villarubin's Facebook account

Kuwento niya sa The Clash Cam, "No'ng nalaman ko po na nakasama 'ko sa final callback is super happy po talaga ko and 'yung family ko kasi ito po talaga 'yung pangarap ko na maka-join sa isang singing competition."

Dahil taga-Cebu, nahirapan daw siyang makapunta ng Maynila dahil apektado ang mga flight ng pandemya. Gayunpaman, gumawa pa rin ng paraan si Jessica para maituloy ang pagsali sa bagong season ng GMA singing competition.

Saad niya, "Akala ko po na hindi na ko matutuloy dito kasi nga po I'm from Cebu and hirap po ng pag-travel dito.

"Dahil it's my dream po, humanap po ako ng paraan na pumunta dito at sobrang happy ko po, as in super happy po, na ito na 'yung pinapangarap ko."

Sa kanyang Facebook account, nagpatikim ang palabang Clasher ng kanyang mala-anghel na boses kung saan inawit niya ang 'Stone Cold," ang hit single ng American singer na si Demi Lovato.

Simula pa lang 'yan ng The Clash journey ni Jessica kaya patuloy itong subaybayan sa all-original Filipino singing competition simula October 3 na sa GMA.

'The Clash' top 30 contestant, inilahad ang pinagdaanang pag-iingat kontra COVID-19

22-year-old singer-songwriter, inaming nahirapan sa online audition ng 'The Clash' Season 3

Look-alike ni Enchong Dee, isa sa masusuwerteng pasok sa 'The Clash' Season 3 top 30