TV

'The Clash 2021' wallpapers, IG filter now available

By Jansen Ramos

Available na ang inspiring wallpapers at nakakaaliw na Instagram filter na handog ng upcoming GMA singing competition na The Clash 2021.

Ang wallpapers, na may mga salitang nagpapahiwatig ng pag-asa, ay munting regalo ng The Clash para sa avid viewers ng programa.

Para makakuha ng kopya, i-download lang ang images sa ibaba mula sa inyong device. Mula sa inyong gallery, pumili ng isa sa mga saved wallaper at i-set ito bilang home o lock screen wallpaper ng inyong cellphone.

Samantala, maaari ring i-try ang nakakaaliw na Instagram filter ng The Clash 2021 kung saan malalaman kung ano ang role mo sa programa just for fun!

Para magamit ang filter, pumunta lang sa official Instagram account ng The Clash (@theclashgma) at i-tap ang AR camera effect tab o sparkle icon mula sa profile screen.

Pindutin ang filter, subukan, at i-share ang resulta sa inyong Stories.

Babalik bilang Clash Masters sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa The Clash 2021, gayundin sina Ken Chan at Rita Daniela bilang Journey Hosts.

Asahan din ang pagbabalik ng mas makilatis at mapanuring The Clash panel na binubuo nina Asia's Nightingale Lani Misalucha, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas sa bagong season ng Kapuso singing competition.

Sino kaya ang susunod sa yapak nina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, at Jessica Villarubin? Abangan 'yan sa The Clash 2021 malapit na sa GMA.