TV

Babaeng Maranao, proud na nakatungtong sa 'The Clash 2021'

By Jansen Ramos

Very proud ang 26-year-old na tubong Marawi City na si Jawwada Macatangcop dahil parte siya ng top 30 ng The Clash 2021.

Ayon sa The Clash contestant, siya ay nag-aaral ng law at nagtatrabaho sa Commission on Human Rights noong siya ay nag-audition sa GMA singing competition.

Bahagi niya, "Sumali ako sa The Clash kasi isa rin itong prestihiyoso na competition sa bansa. Habang naglo-law school po ako, nagtatrabaho po ako sa Commission of Human Rights, and habang nagtatrabaho din po ako nag-audition din po ako kasi 'yun po 'yung passion ko, 'yun po pangarap ko na maging singer.”

"Nagtatrabaho po ako dahil para makatulong din sa family ko, sa mga kapatid ko na nag-aaral pa kasi ako 'yung panganay," dagdag pa niya.

Si Jawwada ay isang Muslim mula sa Maranao community sa Lanao Del Sur.

Aniya, ang pagtungtong niya sa The Clash ay isang bagay na labis niyang kinaka-proud bilang babaeng Maranao.

Patuloy niya, "Pumasok ako dito kasi 'yun ang pagtupad sa mga pangarap ko at super happy ako kasi may nakasali na isang Muslim sa isang competition na Maranao. Very proud ako, very overwhelmed kasi magiging pride ako ng Marawi City. Hindi karaniwan na may sumasali talaga na Maranao especially babae kasi 'di ba pinagbabawal.”

"Pwede kasi sumali 'yung isang Muslim pero lalaki, kasi ipinagbabawal kasi sa isang babae kasi sa faith nga natin," ayon pa sa kanya.

Pinatunayan ni Jawwada na kahit ano ang iyong kasarian ay may karapatan kang mangarap at nakadagdag pa sa kompiyansa niya sa sarili ang suporta ng kanyang pamilya.

"From the very beginning, noong simula pa lang noong kumakanta ako noong bata pa ko, nakikita ko talaga na gusto nila akong maging isang sikat na singer. Para sa 'kin enough na 'yun, sinusuportahan naman ako ng pamilya saka para sa 'kin wala naman pong masama sa pagtupad ng isang pangarap,” kuwento ni Jawwada. “If dreaming is a sin then everybody is a sinner."

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng top 30 contestants ng The Clash 2021:


Babalik bilang Clash Masters sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa The Clash 2021, gayundin sina Ken Chan at Rita Daniela bilang Journey Hosts.

Asahan din ang pagbabalik ng mas makilatis at mapanuring The Clash panel na binubuo nina Asia's Nightingale Lani Misalucha, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas sa bagong season ng Kapuso singing competition.

Sino kaya ang susunod sa yapak nina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, at Jessica Villarubin? Abangan sa The Clash 2021 malapit na sa GMA.