TV

Jennylyn Mercado, happy to work with ex-BF Mark Herras sa 'The Cure'

By Gia Allana Soriano

Makakasama ni Jennylyn Mercado ang kanyang dating ka-love team na si Mark Herras sa upcoming GMA Telebabad drama na The Cure. Gaganap ang aktres bilang Charity, ang leading lady sa show. Si Mark naman ay si Darius, ang kontrabida sa soap.


Bukod sa masaya si Jen na makakasama niya ang dating kapareha na si Mark, masaya rin ang aktres dahil parehong "happy" silang dalawa sa career at sa love life. Aniya, "Masaya ako para kay Mark (Herras) kasi ang tagal na rin nila [ni Winwyn Marquez]. 'Tsaka happy siya, 'yun ang importante, masaya."

Masaya rin ba si Jen? Sagot niya, "Masaya, masaya naman. 'Wag naman sobra, tama lang dapat." Dagdag pa niya, "Dapat alam natin paano i-balanse [ang career at love life]."

May balak na rin ba si Jen na magpakasal anytime soon? Ika niya, "Marami pa akong gustong gawin sa buhay, 'tsaka marami pa akong gustong tahakin. Wala pa, malinaw kay Dennis (Trillo) 'yun. Alam naman namin pareho 'yun. Balitaan ko kayo. 'Tsaka parang wala pa talaga."

Ipapalabas na ang The Cure ngayong April 30 sa GMA Telebabad!