TV

Mark Herras, bumait ang karakter sa 'The Cure' dahil kay Jennylyn Mercado?

By Bianca Geli

Gumaganap bilang kontrabida na si Darius si Mark Herras sa GMA Drama na The Cure. Pero unti unti na raw lumalambot ang puso nito dahil sa karakter ni Jennylyn Mercado na si Charity Salvador.

“Siguro mabait siya ngayon kasi nandiyan si Jen [Charity], parang siguro dahil tinutulungan ko si Jen at parang nahuhulog na ‘yung loob ko [as Darius].”

Dagdag niya, “Pero hindi ko masasabing nag-stick na sa pagiging mabait si Darius.”

Kuwento rin ni Mark, masaya siya sa pagbigay sa kaniya ng GMA ng kontrabida role. “This is the first time talaga na gumawa ako ng kontrabida role. Hindi pa rin siya ‘yung pure kontrabida, minsan bumabait pero basically ‘yung role is kontrabida. Na-eenjoy ko siya sobra.”

“Gusto ko pang palawakin, kasi siyempre mas nalalaro ko ‘yung character kapag kontrabida ako. Mas nagagawa ko ‘yung 100% ko.”

Lalo pang naging masaya si Mark ng hinirang siyang bagong Supremo sa The Cure, o bagong lider ng kampo ng mga survivors, matapos niyang matalo sa sparring ang dating Supremo na si Jay Manalo.

“May kasamang pressure kasi kung paano ginawa ni Kuya Jay ‘yung pagiging Supremo niya, pero siyempre hindi naman kami parehas, the way niya pinatakbo ‘yung kampo and the way ko pinapatakbo ‘yung kampo, magkaiba. Pero siyempre 'yung pressure lang on being a leader.”

Marami rin daw natutunan si Mark sa kaniyang pinakaunang kontrabida role.

"Well, before pa naman magsimula ‘yung The Cure, siguro ang pinakamasasabi ko lang na lesson learned is parang maiksi ‘yung buhay natin ‘di ba para pigilan mo ‘yung sarili mo. Dapat lahat tayo may goal sa buhay, with all that dapat marunong ka pa rin mag-enjoy sa buhay."