TV

WATCH: Alden Richards, na-attach sa kanyang karakter sa 'The Gift'

By Marah Ruiz

"Hopeful" ang salitang napili ni Kapuso actor at Asia's Multimedia Star Alden Richards para ilarawan ang kanyang karakter na si Sep sa upcoming GMA Telebabad series na The Gift.


Sa istorya kasi, mabubulag si Sep matapos ang isang aksidente. Kapalit ng kanyang paningin, mabibiyayaan siya ng kakayanang makita ang past at future events.

Dahil dito, magsisilbi siyang pag-asa ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero kaakibat noon, may mga tao din na nais siyang gamitin para sa sarili nilang ambisyon.

"'Yung role ko kasi dito very hopeful eh. Regardless of kung ano man 'yung pinagdaanan niya he always looks forward to a better future kahit may disability. Kaya din ako na-attach ako sa character na 'to is because of that," ani Alden.

Marami daw makaka-relate sa kanyang karakter na si Sep at pati na sa istorya ng serye.

"'Yun naman tayo eh. As audience we always look for shows and mga soap operas na we can relate to that gives us hope in every day," paliwanag ng aktor.

"Life is about hope, regardless of the circumstance. Kahit ano pang dumating, kakayanin mo 'yan," dagdag pa niya.

Panoorin ang online exclusive video na ito ni Alden.



Huwag palampasin ang world premiere ng The Gift, September 16 na sa GMA Telebabad.

WATCH: Alden Richards, nag-e-enjoy sa kaniyang role sa 'The Gift'

WATCH: Alden Richards, challenged daw sa role niya sa 'The Gift'