TV

Alden Richards, humuhugot ng inspirasyon sa Divisoria para sa 'The Gift'

By Marah Ruiz

Hindi madaling mag-shoot para sa isang teleserye lalo na kung sa gitna ng isang mataong lugar ang mga eksenang kailangan para dito.

Alden Richards


Lalo itong naramdaman ni Kapuso actor at Asia's Multimedia Star Alden Richards nang magsimula na ang taping para sa kanyang upcoming GMA Telebabad series na The Gift.

Alden Richards, tanggap ang 'beautiful pressure' ng 'The Gift'

Sa Divisoria kasi ang location ng istorya ng pagbibidahan niyang serye.

"Mahirap po kasi alam naman po natin 'yung Divisoria is a very busy area po. Ngayon lang din po ako naka-experience ng taping sa ganoong ka-busy na palengke. Medyo may struggles po kami. Nahihirapan po kaming mag-taping kasi minsan po talagang kahit marami na pong tumutulong para ma-tone down po 'yung crowd, medyo nahihirapan pa rin po kami in a way pero nairaraos pa rin namin 'yung taping," kuwento ni Alden.

Tanggap ni Alden ang hamon na ito at sa katunayan, nakakuha pa siya ng inspirasyon dito.

"'Yung area pong 'yun, nakakatulong po sa amin para maramdaman po talaga namin na taga doon kami. Nakakatulong po 'yung surroundings sa amin na naging parte sa pag-i-internalize po namin ng mga roles. Na-miss ko po talaga mag-portray ng ganitong role kaya tuwang tuwa po ako na sa mga ganoong area po ang location namin," aniya.

Alden Richards sparks hope and finds his true purpose in GMA's 'The Gift'

Sa The Gift, gaganap si Alden bilang ang Divisoria vendor na si Sep. Dahil sa isang aksidente, mawawalan siya ng paningin pero magiging kapalit naman nito ang kakayanang makita ang nakaraan at hinaharap. Dahil dito, magsisilbing inspirasyon at pag-asa si Sep sa kanyang komunidad.

Abangan si Alden bilang Sep sa The Gift, simula September 16, pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.