TV

Jo Berry celebrates 'The Gift' 'monthsary' with cute post

By Marah Ruiz

Isang buwan nang umeere ang inspiring GMA Telebabad series na The Gift.

Ipinagdiwang naman ito ni Kapuso actress Jo Berry sa pamamagitan ng isang cute na post sa kanyang Instagram account.

Kuha nila ito ng The Gift lead star na si Kapuso actor at Asia's Multimedia Star Alden Richards nang bumisita sila sa opisina ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

"Happy 1 month! Unang buhat nya to sa 'kin, di daw ako mabigat. Naniwala ako," sulat ni Jo sa caption ng kanyang post.


September 16 nang mag-premiere ang The Gift.

Patuloy itong panoorin Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.


WATCH: Alden Richards at cast ng 'The Gift,' may pasilip sa kanilang set

Viewers at netizens, na-touch sa blindfold scene ni Strawberry sa 'The Gift'