TV

Viewers at netizens, na-touch sa blindfold scene ni Strawberry sa 'The Gift'

By Marah Ruiz

Lubos na na-touch ang mga viewers at netizens sa pagdamay na ipinakita ni Strawberry sa kanyang anak na si Sep sa October 3 episode ng inspiring GMA Telebabad series The Gift.

Jo Berry

Dahil sa pagkabulag ni Sep, tinuturuan muli siya ni Strawberry na gumawa ng mga bagay tulad ng kumilos sa loob ng bahay at kumain mag-isa.

Naglagay pa si Strawberry ng piring sa sarili niyang mga mata para lubos na maintindihan ang kalagayan ng anak.

Puna ng isa na umiral pa rin pagiging ina ni Strawberry kahit hindi niya inuluwal si Sep.


Isang nanay din ang nakaalala ng kanyang sariling anak na may special needs dahil sa eksena.


Humanga din sila sa "tough love" na ipinakita ni Strawberry kay Sep.


Magandang halimbawa din daw ang show sa paraan ng pagsuporta sa isang taong nabulag.


Samantala, patuloy na umani ng papauri ang acting ni Alden.


Panoorin ang blindfold scene ni Strawberry mula sa October 3 episode ng The Gift.




Patuloy na panoorin ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

Mikee Quintos, nagsulat ng sariling linya para sa emosyonal na eksena sa 'The Gift'

WATCH: Alden Richards receives gift from viral look-alike priest