TV

BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards, sinubukang maging vlogger sa set ng 'The Gift'

By Marah Ruiz

Kakasa ba bilang isang vlogger is Kapuso actor at Asia's Multimedia Star Alden Richards?

Sinubukan niyang gumawa ng isang vlog mula sa set ng kanyang inspiring GMA Telebabad series na The Gift.

Ipinakita niya ang tent na tinutuluyan niya habang naghihintay sa mga susunod niyang eksena.

Makikitang kahati pa niya sa tent ang co-star na si Mikee Quintos, na gumagamanap bilang kanyang best friend na si Amor sa serye.

Present din sa tent ang personal staff ni Alden tulad ni Mama Ten, pati na ang ilang miyembro ng production crew ng The Gift.

Panoorin ang online exclusive video na ito mula sa set ng The Gift:


Patuloy na panoorin ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.


BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards pokes fun at Jo Berry's slippers on the set of 'The Gift'

WATCH: Blooper ng intense na eksena sa 'The Gift,' ibinahagi ni Jo Berry