TV

BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards pokes fun at Jo Berry's slippers on the set of 'The Gift'

By Marah Ruiz

Kitang kita ang kakulitan ni Kapuso actor ang Asia's Multimedia Star Alden Richards sa isang behind-the-scenes video mula sa set ng GMA Telebabad series ng The Gift.

Habang naghihintay para sa next take eksena kasama ang co-stars na sina Jo Berry at Elizabeth Oropesa, hindi napigilan ni Alden na pagdiskitahan ang tsinelas ni Jo.

"Bakit wala ka ngang tsinelas?" pang-aasar ni Alden sa co-star.

"Kinuha mo nga!" sagot naman ni Jo.

"Huwag kang magsinungaling sa camera. Nakikita tayo sa camera. Hindi ko kinuha tsinelas mo," pagpapatuloy ng aktor.

Panoorin ang kanilang kulitan sa online exclusive video na ito mula sa set ng The Gift.




Patuloy na panoorin ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

WATCH: Blooper ng intense na eksena sa 'The Gift,' ibinahagi ni Jo Berry

Jo Berry, nakatanggap ng maliit na rocking chair mula kay Alden Richards