TV

Jo Berry, pinasalamatan ang lahat ng nanood ng 'The Gift'

Lubos ang pasasalamat ni Kapuso actress Jo Berry sa lahat ng sumuporta sa inspiring GMA Telebabad series na The Gift.

Kagabi, February 7 kasi nagtapos ang primetime serye na pinagbidahan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Gumanap si Jo bilang Strawberry, adoptive mother ng karakter ni Alden na si Sep.

"Maraming Salamat po sa lahat ng nakitawa, nakiiyak, kumampe at nainis kay Straw! ️ sa mga hindi bumitaw sa The Gift gabi gabi. Strawberry Apostol signing off #GMATheGift," sulat niya sa kanyang Instagram account.


Ang pinakaaabangang Descendants of The Sun (The Philippine Adaptation) ang papalit sa The Gift ngayong February 10. Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday sa GMA Telebabad.

WATCH: Jo Berry, mami-miss ang kainan sa 'The Gift'

BEHIND-THE-SCENES: Jo Berry, gigil sa nakaratay na Alden Richards sa 'The Gift'