TV

Thea Tolentino, na-excite dahil walang agawan ng lalaki sa kanyang bagong kontrabida role

By Maine Aquino

Inamin ni Thea Tolentino na masayang-masaya siya na kakaibang kontrabida role ang kanyang gagampanan sa The Lost Recipe.

Si Thea ay gaganap bilang si Ginger Romano, isa sa mga karakter na dapat abangan sa bagong fantasy-romance series ng GMA Public Affairs.

Kuwento ni Thea sa kanyang exclusive interview with GMANetwork.com, "Ang saya kasi hindi ako mang-aagaw ng lalaki this time!"

Dugtong pa ni Thea, nilinaw daw niya sa programa noong story conference pa lamang kung may aagawin ba ang karakter niyang si Ginger.

Image Source: The Lost Recipe

"Talagang 'yun 'yung pinaka nilinaw ko. Tinanong nila kami kung may mga questions po kayo, tapos nagtaas ako ng kamay. 'Tanong ko lang po, may aagawin po ba ako ulit?'"

Agad umano siyang sinabihan ng kanilang program manager na si John Mychal Feraren na wala siyang aagawin sa The Lost Recipe. Ikinatuwa ito ng aktres nang maging malinaw na sa kanya na kakaiba ang kontrabida role niya sa bago nilang proyekto.

"Sabi naman ng PM namin na si Kuya Mychal, 'Wala ako na ang maglilinaw sa 'yo, wala kang aagawing lalaki.' Ang saya!"

Ilan sa mga roles na ginampanan ni Thea noon ay mula sa mga programang Haplos, Asawa Ko, Karibal Ko, at Madrasta.

Para paghandaan ang kanyang role bilang Ginger, sumabak si Thea sa isang kitchen training para sa The Lost Recipe. Sumailalim din si Thea sa acting workshop kasama sina Mikee Quintos, Kelvin Miranda, at Paul Salas.

'The Lost Recipe' stars Mikee Quintos, Kelvin Miranda, Paul Salas, Thea Tolentino train with a real chef

#MiKel: Mikee Quintos and Kelvin Miranda's sweetest photos