What's on TV

Mikee Quintos at Kelvin Miranda, umabot na rin off-cam ang kilig?

By Dianara Alegre
Published February 17, 2021 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Is Chavit Singson considering to buy Miss Universe Organization? 
27 couples wed in Jaen civil wedding
BTS's pop-up store is coming back to Manila this December

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos at Kelvin Miranda


Umabot na rin kaya off-cam ang pagpapakilig ng 'The Lost Recipe' stars na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda?

Patindi na nang patindi ang love triangle sa mga karakter ng The Lost Recipe stars na sina Mikee Quintos bilang Apple, Kelvin Miranda bilang Chef Harvey, at Paul Salas bilang si Frank.

At dahil parami rin nang parami ang nahuhumaling sa tambalang Apple-Harvey at Apple-Frank, inamin nilang hindi lang on-camera ang nararamdaman nilang kilig sa isa't isa.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi nina Mikee at Kelvin na hindi nila mapigilan ang kanilang emosyon sa mga eksena kaya kahit off-cam ay naroroon pa rin ang kilig.

“Totoo naman po 'yung nararamdaman naming kilig sa isa't isa. Kasi kung hindi namin nararamdaman 'yon hindi siya magta-translate sa screen,” pag-amin ni Kelvin.

Dagdag pa ni Mikee, “We can't fake that.”

Mikee Quintos at Kelvin Miranda
Source: The Lost Recipe Facebook page

Samantala, nagpapasalamat din ang tatlo sa magagandang feedback na natatanggap nila sa viewers ng show.

“Natutuwa na naa-appreciate 'yung binibigay na hardwork namin, pinagpupuyatan, at binibigyan ng puso. Marami pa pong mangyayari. Ang dami pang magandang sorpresa,” ani Mikee.

Nagbabasa rin daw si Kelvin ng comments sa social media at natutuwa siya sa mga positibong reviews.

“Nagbabasa din po kasi ako ng comments sa Facebook. Nakikita ko 'yung mga feedback ng mga tao. Nakakatuwa talaga. Nakakagaan ng loob. Minsan pagod ka tapos matutuwa ka sa comments na nababasa mo,” aniya.

Dahil nga positibo ang mga komento sa kanilang serye, mas lalo naman daw ginaganahang magtrabaho si Paul.

“Nakatulong din sa pag-acting namin kasi siyempre confident kami na maraming nagmamahal sa show namin. So mas gusto pa naming galingan pa 'yung pag-a-act, love triangle. Basta marami pa silang aabangan,” lahad ng aktor.

Mikee Quintos at Kelvin Miranda
Source: The Lost Recipe Facebook page

Kaya sa mga tagasubaybay ng The Lost Recipe, sinabi ni Paul na marami pang magaganap na “battles” sa pagitan ng mga karakter nila ni Kelvin para sa atensyon at puso ng karakter ni Mikee na si Apple.

“Magkikita't magkikita kasi ulit si Harvey at si Frank lalo na celebrity na si Frank. Hindi na siya busy sa fast food na tinatrabaho niya. Mas may time na siyang pumunta kay Apple tapos makikita niya si Harvey.

“So marami silang aabangan na Team Harvey o Team Frank na battles,” dagdag pa niya.

Paul Salas at Mikee Quintos
Source: The Lost Recipe Facebook page

Napapanood ang The Lost Recipe gabi-gabi sa GMA News TV.

Panoorin ang kanilang 24 Oras interview DITO.

Related content:

Shaira Diaz ibinuking ang MiKel: "Feeling ko may something 'yung dalawang 'yon!"

'The Lost Recipe,' patuloy na nagti-trend at nakakakuha ng magandang reviews