TV

Lovi Poe, Rhian Ramos, at Max Collins puno ng tawanan sa unang taping day ng 'The One That Got Away'

By Gia Allana Soriano

Puno raw ng tawanan ang taping ng GMA "it girls" na sina Lovi Poe, Rhian Ramos, at Max Collins para sa upcoming GMA drama nila, ang The One That Got Away.

Ani ni Rhian, "Nagbabasa pa lang kami ng script, ang dami na naming comment at tawa. And then, it's fun to hang out."

May kanya-kanyang inputs na rin ang tatlo sa mga karakter nila.

 

Ika ni Max, "I love my character, she's so cool. Kasi parang may pagkatomboy siya. I mean, may pagka-boyish."

 

Kuwento naman ni Rhian, "Magkaiba kami in so many ways, but I'm so happy to be here, kasi laughtrip talaga siya."

 

Natutuwa naman si Lovi na mag-comedy, lalo na at puro iyakan ang mga naging role niya noong nakaraan, katulad na lang ng mabigat na role niya para sa Someone To Watch Over Me. Aniya, "When I was reading the script, for the first time, I was laughing."

 

Abangan ang tatlo sa The One That Got Away, malapit na sa GMA Network!

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago para sa Balitanghali:

Video from GMA News