TV

WATCH: Rhian Ramos, Max Collins at Lovi Poe, pinag-usapan ang exes sa lie detector test

By Bea Rodriguez

Bibida ang tatlong naggagandahang Kapuso stars na sina Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins sa upcoming comedy series kung saan si Kapuso leading man Dennis Trillo ang kanilang The One That Got Away.
 
Excited na ang Kapuso hotties sa bagong GMA series at bilang paghahanda ay sumabak sila sa lie detector challenge ng Unang Hirit.
 
Tinanong si Lovi kung nagmakaawa na ba siya sa kanyang ex para balikan siya. Maigting na “No. I never beg for love” ang sagot niya. Biro pa ng dalaga, “They always beg for me. Just kidding! They beg for Lovi.”
 
Hindi rin umano niya naranasan na ipinagpalit siya sa ibang babae, “Does cheating count? So far, hindi.”
 
Nagkaroon naman ng boyfriend si Rhian na hindi gusto ng kanyang mga magulang, “Ayaw ng parents [at] ayaw ng friends [kaya] noong ending, ayaw ko na din.”
 
Aminado naman siya na minsan na niyang stinalk ang kanyang ex, “Yeah, but I think that’s normal. I’m a stalker!”
 
Parehong “No” naman ang sagot ni Max sa mga tanong kung selosa at possessive ba siya na girlfriend at kung naniniwala ba siya sa second chance.
 
Pumasa kaya sina Lovi, Rhian at Max sa lie detector test? Panoorin sa video na ito:

Video courtesy of GMA News

Photos by: onlyrhiandenise(IG)