TV

WATCH: Lovi Poe, Max Collins, Rhian Ramos, excited sa kanilang characters sa 'The One That Got Away'

By Cherry Sun

Sexy at funny. Ito raw ang characters na gagampanan nina Lovi Poe, Max Collins and Rhian Ramos sa The One That Got Away.

Ibinahagi ng tatlong leading ladies ng bagong Kapuso romantic-comedy series ang kanilang excitement sa ulat ng 24 Oras.

Ani Lovi, “It’s not really completely about showing skin or anything like that. It’s about friendship and love. So syempre may mga moments na magpapa-sexy ‘yung mga girls but then ang pinaka-importante dito is kung paano magiging magkakaibigan ang mga mag-ex.”

“Nahirapan ako kasi I kept thinking about ‘yung abs ni Lovi and ‘yung abs ni Rhian. So sabi ko, kailangan ko talaga lumaban kasi ang payat nila, ang sexy nila. So, I really had to prepare earlier,” wika naman ni Max.

Kahit nagpapatalbugan din daw sila sa mga eksena ay mayroon na agad nabuong pagkakaibigan sa set ng The One That Got Away.

Sambit ni Rhian, “I’ve made so many friend also kahit sandali palang kami nagte-tape. We mesh so well, parang kaming barkada.”

Ayon sa 24 Oras, bihira lang daw sumabak si Dennis comedy genre pero at home daw siya sa programa kung saan makakasama niya ang tatlong naggagandahang Kapuso actresses.

Bahagi ni Dennis, “Well, napakasuwerte ko lang talaga na mabigyan ng magagandang project at makasama magagaling, magagandang artista kaya very blessed.”