TV

WATCH: Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos, nagbigay ng crash course sa pagpo-project

By Marah Ruiz

Tila napakasaya sa set ng GMA Telebabad series na The One That Got Away lalo na kapag nagsama-sama ang lead stars nitong sina Lovi Poe, Rhian Ramos at Rhian Ramos. 

Habang naka-standby para sa susunod nilang eksena, ipinakita ng tatlong leading ladies sa kanilang co-star na si Nar Cabico ang iba't ibang poses na kaya nilang gawin. 

Kabilang dito ang "show me (your) neck", "I haven't eaten all day look," "happy friends look" at ang leveled up na "very happy friends" look. 

"Siyempre nagpapa-uto tayo kay Nar," sambit pa ni Lovi. 

Panoorin ang kanilang crash course na pagpo-project dito. 

 

Patuloy na panoorin sina Lovi, Max at Rhian sa The One That Got Away, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.