TV

Balik-showbiz na si Samantha Lopez, bakit laging excited pumunta sa taping ng 'The Stepdaughters'?

By Bea Rodriguez


Welcome back, Kapuso!

Nagbabalik showbiz ang dating "Showdown Girl" ng Eat Bulaga na si Samantha Lopez aka Gracia pagkatapos ng halos 15 na taon mula nang iwan niya ang spotlight para manirahan sa Amerika kasama ang kanyang dating asawang si Warren Edwards.

Ngayong taon, muling sumabak sa teleserye ang dating dancer bilang bahagi ng GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters.

Ang kontrabidang si Daphne Soriano ang kanyang karakter na gagampanan. Aapihin niya sina Mayumi de la Rosa (Megan Young) at Luisa de la Rosa (Glydel Mercado). Siya ang ninang ng kontrabidang si Isabelle Salvador (Katrina Halili) at magiging kahati sa buhay-pag-ibig ni Hernan Salvador (Gary Estrada) at Luisa.

Kinamusta ng GMANetwork.com ang samahan ng cast at crew sa serye kay Samantha. “Awesome [and] amazing! I think this has been the best team I’ve worked with. Ang saya, talagang lahat walang ego, walang pride [at] walang diva,” mabilis na sagot n iya.

Inilarawan pa niya kung ano ang mga nangyayari sa likod ng kamera. Aniya,  “We pray together bago kami nags t a-start, we eat together tapos may bonding talaga kami. Nagtutulungan kami acting-wise, pati sa makeup, sa damit [at] sa ayos.”

Sa katunayan, si Samantha pa raw ang nangungulit sa  kanyang  mga katrabaho.  “Super excited ako to go to work. Ako pa ‘yung nangungulit, ‘Kailan ‘yung taping? Ano' ng oras?’ kasi nga ang sarap [nilang kasama]. Pangatlong taping ko pa lang sa kanila pero parang family na talaga kami,” pagtatapos ng aktres.