TV

WATCH: 'The Stepdaughters' Trailer

By Bea Rodriguez

Payag ka ba makihati sa hindi mo kadugo? Paano mo tatanggapin ang taong hindi mo ka-ano-ano pero kahati mo sa pamilya, karera, kayamanan at maging sa buhay pag-ibig?

Iyan ang mga tanong na sasagutin nina Mayumi dela Rosa at Isabelle Salvador sa pagbibidahang drama serye nina Kapuso stars Megan Young at Katrina Halili sa The Stepdaughters.

Panoorin ang buong trailer ng upcoming GMA Afternoon Prime soap na eere na ngayong February 12. Tampok ang mga batikang aktor na sina Gary Estrada, Glydel Mercado, Angelu de Leon, Allan Paule at Samantha Lopez.