TV

Megan Young, nakaka-relate sa kanyang kalog na karakter sa 'The Stepdaughters'

By Bea Rodriguez

Si Miss World 2013, Megan Young, may simpleng buhay rin. Alam n'yo bang sumasalamin sa kanyang totoong buhay ang kanyang kalog na karakter sa The Stepdaughters?


Mukhang naipapakita ni Megan ang totoong siya sa kanyang ginagampanang karakter na si Mayumi Dela Rosa sa hit GMA Afternoon Prime soap.

Marami ang pagkakatulad nina Megan at Mayumi, kuwento ng Kapuso leading lady sa panayam ng GMANetwork.com, “Very Megan nga in real life ‘yung character ni Mayumi kasi medyo kikay siya [at] kalog. Iyon ang side ko na hindi siguro nakikita ng ibang tao kadalasan.”

Ang karakter ng aktres na si Mayumi ay isang Chemistry graduate. Mula pagkabata ay mahilig na siya sa makeup at mga produktong pampaganda kaya pangarap niyang makagawa ng sariling makeup line.

Tulad ni Megan, siya ang tipong babae na gagawin ang lahat upang matupad ang kanyang pangarap. Pahayag ng Kapuso leading lady, “Dahil sa mga napagdaanan niya sa buhay, natutunan na rin niya na kailangan niya paghirapan kung ano man ang gusto niya. Dahil hard worker siya, she’ll do anything she can para makuha niya iyon.”

Ang pagiging malapit sa pamilya ang isa rin sa pagkakapareho ng dalawa, “Ang dami kong madadala from myself sa character ko.”

Abangan tuwing hapon ang kanyang palaban na karakter at ang pagbabanggaan ng The Stepdaughters sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.