TV

WATCH: Megan Young, ipapakulong si Katrina Halili!

Pinapatay ni Isabelle (Katrina Halili) ang matalik na kaibigan ni Hernan (Gary Estrada) na si Joel (Froilan Sales) upang hindi na ito makapagsumbong kay Mayumi (Megan Young) tungkol kay Luisa (Glydel Mercado).

Dumadami na ang mga kasalanan ni Isabelle sa mag-ina at naghihintay lang ng ebidensiya si Mayumi upang mapakulong ang kanyang stepsister.

Makukuha pa kaya ni Mayumi ang kanyang ina mula sa kamay ng kanyang mortal na kaaway? Alamin sa hit GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters.