GMA Logo the voice generations
What's on TV

First-ever 'The Voice Generations' in Asia, mapapanood na sa GMA ngayong August 27

By Jimboy Napoles
Published August 14, 2023 5:23 PM PHT
Updated August 14, 2023 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga pulis, nagulat kung sino ang hinabol nilang carnappers | GMA Integrated Newsfeed
Stolen motorcycle traded for alleged shabu recovered
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

the voice generations


Maririnig na ang boses ng bawat henerasyon simula ngayong August 27 sa 'The Voice Generations!'

For the first time in history, mapapanood na sa GMA Network simula ngayong August 27 ang pinakamalaking labanan ng boses ng mga Pinoy mula sa bawat henerasyon - ang pinakaunang The Voice Generations sa Pilipinas at sa buong Asya.

Ang The Voice Generations ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa buong mundo na The Voice mula sa ITV Studios.

Ang magsisilbing host ng programa ay walang iba kung 'di si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Siya ang makakasama ng mga talent upang mas makilala at malaman ang kanilang mga kuwento.

Sa nasabing singing competition, masasaksihan ang mga pangmalakasan at sanib-puwersang performance, dahil hindi isa kung 'di duo, trio, o grupo ang magpe-perform upang pabilibin ang apat na superstar coaches.

Ito ay ang apat na award-winning Filipino music artists na sina international singer, dancer, and host na si Billy Crawford, multi-awarded at best-selling recording artist na si Julie Anne San Jose, lead singer at choreographer ng sikat na P-pop boy group na SB19 na si Stell, at ang Pinoy rock icon at lead singer ng bandang Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa host na si Dingdong, sinabi niya na excited na siya para sa pagsisimula ng The Voice Generations dahil mapapalapit muli siya sa iba't ibang insipiring stories.

Aniya, “For me it is very interesting to always be involved in stories of families especially in the stories of our talents, 'yung mga talents na sasali sa atin dito sa The Voice Generations kasi alam kong meron talagang interesting angle parati sa ating mga talents.

“Ito ang gusto kong malaman at gusto kong ma-involve doon hindi naman sa gusto kong makigulo pero at least ako 'yung maaring magkuwento sa mga manonood natin or maybe ma-witness ko lang first hand 'yung beauty ng dynamics at chemistry ng relationships ng sasali sa atin dito. “

Nagpapasalamat naman si Billy sa muling pagbibigay sa kaniya ng GMA ng bagong proyekto.

Aniya, “Pagkatapos ng The Wall Philippines, sobrang saya ng experience ko rito bilang a Kapuso. Ngayon nandito na naman po ulit ako and with open arms na welcome na naman po ako na napakasarap [sa pakiramdam] so maraming maraming salamat, mga Kapuso. Thank you for having me again sana hindi ito 'yung last ulit.”

Thankful din si Julie Anne na mapabilang sa apat na coaches ng The Voice Generations.

“Siyempre 'yung trust ng GMA and 'yung napili ako na maging coach and mentor talagang nakakataba talaga ng puso,” ani Julie.

Dagdag pa niya, “It's my first time na magme-mentor ng talents, I'm kinda nervous, but I'm very very excited to witness very talented and amazing people, amazing groups.”

Pahayag naman ni Chito sa panayam ng GMANetwork.com, “Sobrang nakaka-flatter kasi ang dami nilang puwedeng pagpilian pero naisip nila na worthy akong maging coach so feeling ko na-a-acknowledge 'yung skill ko so that's very flattering.”

Masaya namang ibinahagi ni Stell na suportado ng kaniyang grupong SB19 ang kaniyang pagiging coach sa The Voice Generations.

Aniya, “Nu'ng nalaman nila 'yung news na 'yun, talagang sila 'yung number one na nagsabing, 'O, Stell kapag 'yan pinalampas mo pa, hindi na namin alam kung anong gagawin sa'yo.' So parang sa kanila pa nanggaling na excited sila for me para sa project na 'to. So isa rin 'yun sa naging reason para maging positive ako about this kaya sabi ko, 'Game.'"

Excited na rin ang apat na award-winning coaches na sina Billy, Julie Anne, Stell, at Chito sa kanilang agawan ng talent on stage.

Tutukan ang The Voice Generations, ngayong August 27 na sa GMA.

Para sa iba pang showbiz and entertainment updates, bisitahin ang GMANetwork.com.