TV

Alden Richards, nagpasalamat sa lahat ng sumusubaybay sa 'The World Between Us'

By Aaron Brennt Eusebio

Taos-pusong nagpasalamat si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa lahat ng tumutok sa pagbabalik ng kanyang pinagbibidahang primetime series na The World Between Us.

Sa pamamagitan ng Facebook live, nakipagkuwentuhan si Alden sa kanyang fans at dito siya nagpasalamat sa suporta nila.

"Thank you po sa lahat ng nag-support ng comeback ng The World Between Us. We're now on our second week, going third week, nako, lapit niyo na makita si Louie 2.0," saad ni Alden.

Nagbigay rin ng update si Alden tungkol sa ginagawa niyang pelikula kasama si Bea Alonzo at kung ano ang plano niya sa darating na Pasko.

"I will be flying to the US for the holidays, baka doon na rin ako mag-birthday, Christmas, and New Year," kuwento ni Alden.

"['Yung movie] 'yung parang last project ko this year tapos will continue eventually after the holidays," dagdag niya.

Bukod sa pelikula, pinaghahandaan na rin ni Alden ang kanyang benefit-concert na ForwARd para sa itinayo niyang AR Foundation.

"This is one of the projects na sobrang malapit sa akin. It's all about Richard Reyes Faulkerson, Jr. Why I started, coming up with a foundation for scholars. Of course, all the proceeds of the concert will go to the foundation," ayon pa sa kanya.

Mapapanood ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.

Samantala, makabibili naman ng tickets ng ForwARd sa Ticket2Me at mapapanood ito online sa January 30, ala-8 ng gabi.