TV

Masasayang segments ng 'TiktoClock,' tinututukan ng mga Kapuso viewers

By Maine Aquino

Parami na nang parami ang tumututok at sumasali sa happy time na hatid ng TiktoClock.

Ilang netizens na ang nagpahayag ng kanilang pagka-hook sa original at one-of-a-kind variety show ng GMA. Ayon sa mga manonood, panalo ang hosting nina Kuya Kim Atienza, Pokwang, at Rabiya Mateo, at panalo na rin ang games at surprises ng TiktoClock.

Ayon sa mga comment ng isang netizen, "I love this show of GMA."

Saad naman ng isa, "Napakasaya ng show nyo po."

Napupuno rin ng energy ang umaga ng ating tiktropa viewers dahil sa mga games na hatid ng TiktoClock. Ayon sa post ng isang viewer, "Good morning everybody. Nakakatuwa ang palabas ninyong laro, ang saya saya! Congrats sa lahat ng staff!"

Sa mga Tiktropa at home, huwag magpapahuli dahil may dance raffle na puwedeng salihan sa TiktoClock para sa pagkakataong manalo ng PhP2,500! Basahin lamang ang detalye, RITO.

Patuloy na tumutok sa happy time na hatid ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA Network.

SAMANTALA, TINGNAN ANG LARAWAN NG ATING TIKTROPA NA SINA KUYA KIM, POKWANG, RABIYA SA GALLERY NA ITO: