TV

Valeen Montenegro, bumilib sa istorya ng 'To Have And To Hold'

By Aedrianne Acar

Hindi lamang mapangahas na serye ang bagong GMA Telebabad soap na To Have And To Hold, interesting din kung paano ito inalatag at ikinuwento para sa mga televiewers.

Ganito ibinida ni Valeen Montenegro na gaganap na Sofia, ang drama project nila nang makapanayam ng entertainment press noong Martes (September 21) sa online media conference ng show.

Inahalintuld ng Bubble Gang comedienne sa point of view ng tsismosang kapitbahay ang mapapanood nila gabi-gabi sa To Have And To Hold.

Wika niya, “For me, it's relatable in a way the treatment of Direk Don [Don Michael Perez] parang POV [point of view] siya ng tsismosang kapitbahay.

“Oo nga it's a POV of different types of people that's why it's very relatable,”

Sinagot din niya ang tanong na kung bakit hanggang ngayon, relevant pa rin ang kuwento tungkol sa infidelity na tatalakayin sa kanilang serye.

Paliwanag ni Valeen, “Kanina may question tayo na parang: What makes it very relatable? Bakit kailangan natin pag-usapan 'yung infidelity at this day and age?”

“So, parang it's the year 2021 meron pa tayong pandemic, parang we have to kind of learn that not everything we see is true and we have to accept that the fact na it's not always a fairytale when it comes to marriage. Coming from having a relationship myself.

“And it's not always the rainbows and unicorns when it comes to that type of story-telling.”

Source: valeentawak (IG)

Sa kabila ng hirap ng lock-in taping nila sa Bataan at idagdag pa ang masamang panahon na nakaapekto sa kanilang shooting, baon daw ni Valeen ang masasayang alaala kasama ang kanyang co-stars.

Ayon sa mestiza beauty, nakakataba raw ng puso na makatrabaho ang mga aktor na pareho ang goal, na mapaganda nang husto ang kanilang soap.

“For me To Have And To Hold has been a family and talagang nagtulungan kami without any effort.

“Wala tayong effort to just become a family, because we know at the end of the day we all want the same thing, We want the best show, yas!

“We want an awesome show and I have to say we did.”

Check out the behind-the-scenes of the pictorial of the primetime soap To Have And To Hold showing on September 27 at 8:50 p.m. after Legal Wives.