TV

'To Have And To Hold' world premiere, mamayang gabi na!

By Aedrianne Acar

Pag-iibigan na panghabang-buhay, mapapalitan ng mga pagkukulang. Titibay ba ang pagsasama o tuluyang masisira?

Buong puso na inahahandog ng GMA Network ang isang dekalibreng soap na binubuo ng pinakmamahusay na aktor at aktres sa Philippine showbiz.

Source: GMA DRAMA (FB)

Simula ngayong gabi, magku-krus ang landas nina Erica (Carla Abellana), Gavin (Rocco Nacino), at Dominique (Max Collins) sa To Have And To Hold at ating masasaksihan kung paano nila haharapin ang dagok sa kanilang buhay may asawa.

May pag-asa ba matagpuan ni Erica ang tunay na pag-ibig sa kabila nang pangangaliwa ng kanyang asawa na si Tony (Rafael Rosell)?

Hanggang kailan magtitiis si Dominique sa pag-balewala sa kanya ng asawa na si Gavin na tutok sa kanyang trabaho?

At sa paghahangad ni Gavin ng isang perfect life ay maging dahilan ba ito para mawalan siya ng oras para sa misis na si Dominique?

Abangan ang mapangahas na serye na aagaw ng inyong atensyon sa primetime.

Tutukan ang world premiere ng To Have And To Hold, mamayang gabi sa GMA Telebabad sa oras na 8:50 p.m.

Related content:

Behind the Scenes: 'To Have And To Hold' Pictorial

LOOK: The hunk actors of 'To Have And To Hold'