TV

WATCH: Kylie Padilla, aksidenteng nasapak sa set ng 'TODA One I Love'

By Aaron Brennt Eusebio

Nagkaroon ng maliit na aksidente sa taping ng Kapuso primetime series na TODA One I Love matapos hindi sinasadyang nasapak si Kylie Padilla ng isang stuntman.

Kylie Padilla

Gumagawa ng fight scene si Kylie nang biglang natamaan siya ng suntok at inamin niyang medyo nahilo siya dahil dito.

“Medyo oo, may impact yung suntok dito,” ani Kylie habang tinuturo kung saan sa kanyang mukha ang masakit.

Hangga't maari ay hindi pumapayag si Kylie na magkaroon ng stunt double sa kanyang mga fight scene dahil siya ay 'nage-enjoy' sa adrenaline na nakukuha niya.

Agad namang dinala sa ospital si Kylie para sa x-ray at wala naman nakitang problema.

Panuorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 oras sa video na ito: