TV

Gladys Reyes, kaya bang sampalin si Kylie Padilla?

By Aaron Brennt Eusebio

Kayanin kayang sampalin ni Gladys ang isang Padilla?

Gladys Reyes

Si Gladys Reyes ang gaganap na kontrabida sa karakter gagampanan ni Kylie Padilla sa bagong serye ng GMA, ang TODA One I Love.

Sa ginanap na press conference ng TODA One I Love kahapon, January 30, pabirong inamin ni Gladys na nagdadalawang-isip siyang sampalin si Kylie.

“Medyo natatakot ako doon sa tatay, e,” pagtukoy ni Gladys sa ama ni Kylie at ang 'bad boy' na si Robin Padilla.

“Medyo nagdadalawang isip ako sa aspetong yon pero tingnan din natin, baka naman mapagpaliwanagan ko si Robin, trabaho lang,” pabirong dagdag ni Gladys.

Pinangako rin niya na mas maraming manonood pa ang manggigil sa kaniya sa TODA One I Love.

“Ang creative [team] ng TODA One I Love, hindi naman papayag na pakabog, 'di ba, dun sa bago nating programa.

“Mas maraming mga kaabang-abang na eksena dito po sa ating bagong palabas na ikagugulat ulit ng mga manonood at ikagigil nila.”

Kasama rin nina Gladys at Kylie sa TODA One I Love sina Ruru Madrid, David Licauco, Jackie Rice, Victor Neri, Tina Paner at marami pang iba.

IN PHOTOS: Meet the cast of GMA's upcoming series 'TODA One I Love'

Abangan ang world premiere ng kauna-unahang political rom com serye sa bansa sa February 4 sa GMA Telebabad!