TV

Will Ashley, nakikita ng mga manonood bilang isa sa promising stars ng GMA

By EJ Chua

Sa katatapos lang na media conference ng upcoming series na Unbreak My Heart, isa ang Sparkle star na si Will Ashley sa mga nakatanggap ng maraming katanungan mula sa press.

Isa sa mga itinanong kay Will ay kung ano ang pakiramdam niya na bilang isang promising star ay napabilang siya sa kauna-unahang collaboration ng GMA, ang television network na kanyang kinabibilangan, at ng ABS-CBN.

Sagot ng aktor, “To GMA, ABS-CBN, and Viu, Thank you so much po sa opportunity. Masaya po ako, sobra, na nakikita po ako ng mga tao as promising star ng GMA.

Para mapasali po rito sa isang napakalaking proyekto, sobrang blessed po ako kasi gaya nga po ng sabi namin, ito po 'yung first-ever collaboration ng GMA at ABS-CBN kaya happy po ako, sobra.”

Mapapanood si Will sa serye bilang si Jerry, ang binata na mapapalapit sa isang dalaga na nagmula sa mayamang pamilya.

Ang nasabing dalaga ay si Gwen, ang karakter na gagampanan naman ng Kapamilya actress na si Bianca De Vera.

Sa teaser videos na inilabas ng dalawang television networks tungkol sa serye, bumuhos ang positibong mga reaksyon at komento ng mga manonood at netizens tungkol sa tambalang Will at Bianca.

Ang ilan ay excited nang makita ang chemistry ng dalawa sa kauna-unahang beses nilang pagsasama para sa isang teleserye.

Samantala, ang Unbreak My Heart ay ipapalabas sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Para naman sa advance streaming, maaari itong mapanood sa May 27, 2023, 9:00 p.m. sa GMANETWORK.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: