TV

Gabbi Garcia, inilarawan ang kanyang karakter sa 'Unbreak My Heart'

By EJ Chua

Nito lamang Sabado, May 27, nagsimula na ang advance streaming ng biggest collaboration ng GMA at ABS-CBN na Unbreak My Heart.

Napanood ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

Ngayong Lunes, May 29, mapapanood na ang pinakaaabangang serye sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Kabilang sa lead stars ang Sparkle star na si Gabbi Garcia na makikilala sa teleserye bilang si Alex.

Sa naging exclusive interview ng GMANetwork.com kay Gabbi, inilarawan niya ang kanyang karakter sa naturang drama series.

Ayon sa aktres, "It's a very mature role. It's my most mature role up to date."

Dagdag pa niya, "Marami akong firsts sa show na 'to, dapat nilang abangan. I really prepared for this role dahil talagang buhusan ng emosyon 'yung show na ito."

Una nang ibinahagi ni Gabbi na naging memorable ang kanilang naging taping noon sa Italy at Switzerland para sa serye.

Kasama ni Gabbi sa teleseryeng ito ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia, kapwa niya Kapuso actor na si Richard Yap, at award-winning actress na isa ring Kapamilya na si Jodi Sta. Maria.

SILIPIN ANG ILANG NAGING KAGANAPAN SA KATATAPOS LANG NA UNBREAK MY HEART MEDIA DAY SA GALLERY SA IBABA: