TV

Unbreak My Heart: Rose at Renz, muling magkikita?

By EJ Chua

Sa ikalawang episode ng biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart, kaabang-abang ang susunod na mga eksena nina Renz (Joshua Garcia) at Rose (Jodi Sta. Maria).

Nagtungo si Rose sa Switzerland upang subukang hanapin ang kanyang anak na matagal na niyang hindi nakasama mula nang magdesisyon siyang lumayo.

Makakatagpo muli ni Rose ang Pinoy na si Renz, at siya ang isa sa mga tutulong sa mga nais mangyari ng una.

Ano kaya ang maitutulong ni Renz kay Rose?

Sa kanilang paghahanap, iba kaya ang kanilang matatagpuan?

Samantala, sa pilot episode ng serye, natunghayan ang unang pagtatagpo nina Renz at Rose, kung saan nagkamali ang una dahil ibang Rose pala ang kanyang nasundo sa airport at hindi ang babaeng ipinapasundo ng kanyang amo.

Napanood din ang ilang eksena ni Rose at ng dati niyang asawa na si Matteo (Richard Yap).

Ipinalabas din ang ilang eksena kung saan nasa isang lugar sina Rose, Renz, at Alexandra (Gabbi Garcia).

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood ngayong Martes sa video na ito:

Subaybayan ang Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: