advertisement
TV

'Unbreak My Heart' cast and crew all set to make history in the entertainment industry

1 of 23

#UMHMediaDay

Isang engrandeng set up at venue para sa #UMHMediaDay ang inabutan ng entertainment media at ng ilang kabilang sa cast at crew ng 'Unbreak My Heart.'

2 of 23

Directors

Present sa media conference ang mga director ng 'Unbreak My Heart' na sina Dolly Dulu at Emmanuel Quindo Palo.

3 of 23

Joshua Garcia

Para kay Joshua Garcia, itinuturing niyang level up ang pagiging isa sa lead stars ng 'Unbreak My Heart.'

advertisement
4 of 23

Gabbi Garcia

Sa isang panayam, sinabi ni Gabbi Garcia na "humbled at grateful" siya na mapabilang sa biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu.

5 of 23

Jodi Sta. Maria

Sa media conference, sinagot ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria ang ilang katanungan ng press tungkol sa pakikipag trabaho niya sa ilang Kapuso stars tulad ni Gabbi Garcia.

6 of 23

Laurice Guillen

Inilahad naman ng director-actress na si Laurice Guillen na nag-e-enjoy siya habang ginagawa nila ang 'Unbreak My Heart.'

advertisement
7 of 23

Eula Valdes

Ayon sa veteran actress na si Eula Valdes, “Grateful ako na kasama ako rito, super grateful ako. Thankful ako na kasama ang pangalan ko sa project na 'Unbreak My Heart.'

8 of 23

Sunshine Cruz

Ang karakter ng aktres na si Sunshine Cruz ang magiging karibal ng karakter ni Jodi Sta. Maria sa serye.

9 of 23

Romnick Sarmenta

Kuwento ng aktor na si Romnick Sarmenta, maaapektuhan daw ng kanyang karakter ang buhay ng karakter nina Joshua Garcia, Eula Valdes, at marami pang iba.

advertisement
10 of 23

Victor Neri

Sa kanyang pagdalo sa media conference, ikinatuwa ni Victor Neri na makita ang ilang mga miyembro ng entertainment press na nakasama na niya noon sa kanyang previous projects.

11 of 23

Nikki Valdez

Sa naturang event, nagkuwento ang aktres na si Nikki Valdez tungkol sa mga naranasan nila ng kanyang 'Unbreak My Heart' co-stars habang nagte-taping sila noon sa Europe.

12 of 23

Will Ashley

Ayon sa Sparkle actor na si Will Ashley, blessed at happy siya na maging parte ng 'Unbreak My Heart.'

advertisement
13 of 23

Jeremiah Lisbo

Ayon sa Kapamilya actor na si Jeremiah Lisbo, tila hindi pa rin siya makapaniwala na parte siya ng cast ng napakalaking proyekto ng GMA, ABS-CBN, at Viu.

14 of 23

Bianca De Vera

Ayon kay Bianca De Vera, isa raw mabuting kaibigan at katrabaho ang Sparkle actor na si Will Ashley.

15 of 23

Maey Bautista

Nang magsalita si Maey Bautista sa media conference, labis niyang napasaya ang mga taong dumalo sa nasabing event.

Ilan sa mga birong binitawan ng comedian-actress na si Maey ay ang tungkol sa kunwaring pagsama niya noon sa cast papuntang Switzerland para sa kanilang taping.

advertisement
16 of 23

Philip Joshua Endrinal

Ayon kay Philip Joshua Endrinal, kakaiba ang na-build na closeness nila ng kanyang 'Unbreak My Heart' co-stars.

17 of 23

Mark Rivera

Ayon sa ilang cast ng 'Unbreak My Heart,' bukod sa pagiging aktor ay si Mark Rivera ang nagsilbi nilang tour guide noon sa kanilang work trip sa Europe.

18 of 23

Marvin Yap

Bukod kay Maey Bautista, nagpasaya rin ng mga dumalo sa media conference ang aktor na si Marvin Yap. Biro pa niya, abangan daw ang love story nila ng karakter ni Maey sa serye.

advertisement
19 of 23

Robi Domingo

Si Robi Domingo ang nagsilbing host sa #UMHMediaDay.

20 of 23

Bey Pascua 

Sa kalagitnaan ng media conference, inawit ng Sparkle artist na si Bey ang kantang 'Falling in love,' ang isa sa official soundtracks ng 'Unbreak My Heart.'

21 of 23

Christian Bautista 

Bukod kay Bey, nag-perform din on stage ang Kapuso singer na si Christian Bautista. Inawit niya ang kantang 'You are Everything,' na isa rin sa soundtracks ng serye.

advertisement
22 of 23

Interviews

Game na game na sinagot ng cast ang ilang katanungan ng press na related sa kanilang upcoming series na 'Unbreak My Heart.'

23 of 23

Group photo

Pagkatapos ng media conference, masayang nag-group photo ang cast ng 'Unbreak My Heart.'