GMA Logo underage ratings
What's on TV

'Underage,' patuloy na umaani ng matataas na TV ratings!

By Dianne Mariano
Published April 4, 2023 9:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mister, hinabol ni misis na armado ng itak sa Northern Samar
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

underage ratings


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtutok sa mga tumitinding eksena sa 'Underage.'

Patuloy na namamayagpag sa TV ratings ang coming-of-age drama series na Underage, na pinagbibidahan nina Sparkle actresses Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

Matapos makakuha ng 7.1 percent rating ang 53rd episode ng Underage, muling umani ng matataas na ratings ang dalawang episodes ng nasabing programa, na ipinalabas noong March 30 at 31.

Nakapagtala ng 7.9 percent rating ang 54th episode ng Underage, base sa National Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings.

PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)

Sa episode na ito, matatandaan na sinisisi ni Dominic (Christian Vasquez) ang kaniyang sarili kung bakit napunta ang anak niyang si Celine (Lexi Gonzales) sa sitwasyon nito ngayon. Bago pa man ito, inamin ni Lena (Sunshine Cruz) kay Dominic na si Celine ay ang anak niya.

Binisita rin ni Dominic ang kaniyang anak na si Celine sa ospital. Lingid naman sa kaalaman ni Dominic na siya ay sinundan ng asawa niyang si Velda (Snooky Serna) at nakitang hawak ng una ang kamay ni Celine.

Hindi naman maintindihan ni Velda kung bakit tinutulungan ng kaniyang asawa si Celine.

Samantala, nakakuha naman ang 55th episode ng serye ng 6.8 percent ratings.

PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)

Ilan sa matitinding tagpo sa naturang episode ay ang pag-record ni Tope (Vince Crisostomo) ng kaniyang pag-amin na siya ang tunay na pumatay kay Leo (Nikki Co). Matapos ito, iniwan ng binata ang recorder sa tahanan ng mga Serrano at si Becca (Yayo Aguila) ang nakakuha nito.

Bukod dito, inamin rin ni Dominic sa kaniyang ina na si Ylvira (Jean Saburit) na si Celine ang anak nila ni Lena. Sa pag-uusap ng mag-ina, tinanong ni Ylvira si Dominic kung ano ang mas importante para sa kaniya: ang anak na si Celine o ang kaniyang political career?

Balikan ang 54th at 55th episodes ng Underage sa mga video sa ibaba.

Abangan ang mga tumitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang Underage via Kapuso Stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO: