What's on TV

Kate Valdez at Kelvin Miranda, kinakikiligan sa 'Unica Hija'

By Jansen Ramos
Published February 21, 2023 12:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Indian family of alleged Bondi gunman didn't know of 'radical mindset', Indian police say
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez at Kelvin Miranda


Sa episode ng 'Unica Hija' noong Biyernes, February 17, nagkaaminan na ng feelings sina Hope at Ralph na ginagampanan nina Kate Valdez at Kelvin Miranda.

Patuloy ang pagpapakilig ng Kapuso on screen partners na sina Kate Valdez at Kelvin Miranda sa GMA Afternoon Prime series na Unica Hija.

Sa episode ng Unica Hija noong Biyernes, February 17, nagkaaminan na ng feelings sa isa't isa ang mga karakter nilang sina Hope at Ralph.

Ito ay matapos maglabas ng sama ng loob si Hope kay Ralph nang makatakas siya mula sa nanay-nanayan niyang si Lorna, na ginagampanan ni Maricar De Mesa.

Matapos maltratuhin, pinagkakitaan pa ni Lorna si Hope nang ibunyag niya sa social media na ito ay isang clone. Pinagpiyestahan tuloy ng publiko si Hope.

Inalipin, paulit-ulit na sinaktan, at tinrato parang hayop ni Lorna si Hope kaya pakiramdam nito tuloy na walang nagmamahal sa kanya.

Nakatanggap naman si Hope ng simpatiya mula kay Ralph na tumulong sa kanyang makatakas kay Lorna.

Dito na inamin ni Ralph ang kanyang nararamdaman kay Hope. Nabuhayan naman ng loob ang dalaga dahil may isang taong nagmamahal sa kanya matapos ang kanyang mga pinagdaanan.

Kinakiligan naman ng fans nina Kate at Kelvin at avid viewers ng Unica Hija ang nasabing eksena dahil sa chemistry ng Kapuso onscreen partners.

Kaya hiling ng KateVin fans, sana ay mapanood pa sila sa iba pang proyekto.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa team-up nina Kate at Kelvin sa Unica Hija.

comments

Mapapanood ang Unica Hija weekdays pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA 7 at sa Pinoy Hits (Channel 6) ng GMA Affordabox at GMA Now.

Ang lives tream ng serye ay available sa GMANetwork.com, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

NARITO ANG ILANG KILIG PHOTOS NG KATEVIN SA UNICA HIJA: