TV

Buwis buhay stunts sa 'Victor Magtanggol,' si Alden Richards mismo ang gagawa

By Gia Allana Soriano

 

Dahil sa kanyang parkour training, confident si Alden Richards na gawin ang kanyang mga stunts sa Victor Magtanggol.

Aniya, "Mostly kasi typical lang 'yung fight scenes na nagagawa ko with my past projects. Well, ito kakaiba, na-apply ko 'yung mga natutunan ko sa parkour."

Inamin din ni Alden na all-out siya para sa project na ito na talaga namang malapit sa kanyang puso. Ika niya, "Gusto ko kasi ito, eh. Ganun ako ka-in love dito sa project na ito. Sabi ko nga, when I took this project, ibubuhos ko dito lahat."

Pinapangako rin ng aktor na siya mismo ang gagawa ng "buwis buhay" stunts para sa show. Kuwento niya, "I see to it na majority of the scenes [ay] ako mismo ang gagawa. Lahat ng stunts."

Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report.

Abangan si Alden Richards sa Victor Magtanggol, malapit na sa GMA Network!