TV

WATCH: Alden Richards, first time nagkaroon ng 'say' sa kanyang pinagbibidahang project

By Bea Rodriguez

Ang mapapanood nating action-fantasy series sa July 30 ay espesyal na proyekto ni Pambansang Bae Alden Richards dahil hindi lang siya ang lead star, naging bahagi rin siya sa pagbuo ng Victor Magtanggol.


“Ito po ‘yung kauna-unahan kong project na nagkaroon po ako ng ‘say’ sa lahat po ng aspeto ng paggawa at pag-create po ng istorya mula po sa story, sa costume, sa lahat po. Nagpapasalamat po ako sa opportunity po na binigay n'yo sa akin [at] sa tiwala po. Nagtiwala po kayo sa judgment ko,” saad ng Kapuso star sa report ng Unang Hirit.

Ngayong Lunes, July 30 na natin makikilala ang Pinoy superhero na kanyang gagampanan, “Abangan n'yo po ‘yung struggles ni Victor. Medyo hindi po paligoy-ligoy ‘yung pilot episode. Kailangan talaga nilang mapanood para makasunod sila doon sa mga susunod na araw na airing.”

Excited na ang mga makakasamang bituin ni Alden na sina Coney Reyes, Chynna Ortaleza at Andrea Torres sa paglunsad ng kanilang GMA Telebabad series. Kilalanin sa report ang kanilang Victor Magtanggol sa totoong buhay.

Video courtesy of GMA News