TV

EXCLUSIVE: John Estrada, todo ang effort para sa first Kapuso teleserye na 'Victor Magtanggol'

By Aedrianne Acar

 

Marami ang nagulat nang pumirma ng contract ang longtime Kapamilya star na si John Estrada sa GMA last May 2018.

EXCLUSIVE: Andrea Torres on working with Alden Richards: "Magaling siyang lider"

Bongga ang naging unang show ni John bilang certified Kapuso dahil makakasama siya sa higanteng proyekto na Victor Magtanggol, ang first action/superhero series ni Pambansang Bae Alden Richards.

Kinumusta ng GMANetwork.com ang versatile actor sa taping ng Victor Magtanggol sa isang studio sa Makati City.

Ayon kay John, sobrang sarap daw makatrabaho ang mga Kapuso dahil napakabait ng lahat lalo na sa kaniya na bagong lipat pa lang.

Kuwento ng Kapuso star, “Okay naman exciting, masarap naman. Maraming mababait dito. So you know sa production, 'pag maraming mabait, it makes your life easier, your work easier.”

Determinado rin si John Estrada na gaganap bilang kontrabida ni Victor na gawin ang best niya para sa kaniyang first show as a Kapuso star.

“Well, of course, ito ay isang telefantasya, parang superhero series. So I play the role of Loki, excited ako at of course pinagbubutihan ko dahil nga first time ko sa GMA. Kaibahan? ‘Yun nga, matindi ‘yung costume ko rito at makeup.”

Nagkuwento rin siya ng ilang detalye patungkol sa gagampanan niyang role na si Loki na tiyak na kakainisan ng Kapuso viewers.

“Sa fight scenes wala pa naman ako masyadong fight scenes at tsaka ‘yung character ni Loki siya ‘yung God of Deception, hindi siya warrior. So nanlilinlang ng mga tao, so mas utak ang ginagamit ni Loki kaysa dun sa physical aspects niya.”