TV

EXCLUSIVE: Andrea Torres, bakit gusto ang pressure na dala ng 'Victor Magtanggol?'

By Aedrianne Acar

 

 

Positibo ang pananaw ni Kapuso actress Andrea Torres sa malaking pressure na hatid ng bago nilang show na Victor Magtanggol.

EXCLUSIVE: Alden Richards, inilarawan ang 'Victor Magtanggol' bilang "Pinoy na Pinoy"

Bida sa highly-anticipated project na ito ng Kapuso Network ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

EXCLUSIVE: Andrea Torres on working with Alden Richards: "Magaling siyang lider"

Paliwanag ni Andrea sa exclusive interview ng GMANetwork.com, good pressure ang nararamdaman ng buong team ng Victor Magtanggol.

Aniya, "I think lagi naman meron pero andun siya sa positive kind ng pressure, kasi pangit din naman 'yung masyado kang relax 'di ba? I think okay din na lagi kang na nape-pressure para mayrun ka rin standard na ibinibigay din sa work na nilalabas mo. Meron [pressure] pero more on excited kaming lahat."

Tinanong din naman si Andrea kung paano magiging iba si Sif sa character niya sa Alyas Robin Hood na si Venus?

Sagot ng Kapuso actress, "actually every character ko gusto ko talaga ilayo dun sa huli or dun sa lahat ng nagawa kong characters, so inaral ko din talaga siya. At the same time kailangan mo din i-consult 'yung writers."

Ni-reveal din ni Andrea ang naging peg niya sa role niyang si Venus na napamahal sa mga Kapuso viewers.

"May napeg ako pero ayaw ko i-reveal. Pero usually ganiyan ako, ire-reveal ko na lang 'yung kay Venus nung nag-Venus ako mawe-weirduhan kayo ang peg ko Maleficent, Angelina Jolie 'tsaka Catherine Zeta-Jones."