TV

EXCLUSIVE: Andrea Torres panatag na gawin ang mga action scenes sa 'Victor Magtanggol'

By Aedrianne Acar

 

Malaki ang pagpapasalamat ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres sa mga nagawa niyang training para sa dating niyang primetime series na Alyas Robin Hood kaya mas magaan daw ang pag-portray niya bilang Sif.

WATCH: Lead stars ng 'Victor Magtanggol,' ipinasilip ang kanilang intense training

Kasama si Andrea sa higanteng telefantasya series ng GMA Network na pinagbibidahan ng Pambansang Bae na si Alden Richards, ang Victor Magtanggol.

Wika niya, “At least nakatulong na nag-try na ako ng iba’t-ibang activities.”

Wala din daw problema sa kaniya na gawin ang mga heavy fight scenes sa Victor Magtanggol dahil sa sanay na ang katawan niya dito.

“Actually, sanay na katawan ko. Before kasi gym lang ako, pero nung Alyas [Robin Hood] nag-try na ako mag-wushu, Muay Thai na. Sa dami ng nagawang kong fight scenes mas panatag na ako gawin siya.”

Lahat din daw ng veteran stars tulad nila Coney Reyes at John Estrada ay nilo-look forward niya na maka-trabaho sa isang soap, dahil naging inspirasyon daw niya ang mga ito para maging isang artista.

“Lahat, eh kasi parang si Ms. Coney Reyes napapanood ko 'yan. Si Sir John din napanood ko ‘yung Hari ng Yabang niya so parang 'yan ‘yung mga tumulong sa iyo na mangarap maging artista.”

Dagdag pa niya, “Kaya nabuo ‘yung dream mong ‘yun kasi 'yan ‘yung mga movies na pinapanood mo habang lumalaki ka. So siyempre, parang hindi ko rin ine-expect na finally magkakaroon ng chance na makatrabaho kami especially ngayon pa lang sila magkakaroon ng soap sa GMA 'di ba after a long time.”