TV

WATCH: 'Victor Magtanggol,' nalilito sa magkasalungat na payo

Sa September 18 episode ng Victor Magtanggol, dalawang magkaibang payo ang matatanggap ni Victor (Alden Richards).

Gusto ni Gwen (Janine Gutierrez) na umalis na si Hammerman sa kanilang bayan para matigil na ang gulo.

Nais naman ni Sif (Andrea Torres) na ipagpatuloy niya ang pagmamanman sa mga plano ni Loki (John Estrada).

Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.