TV

WATCH: Bistado na ang secret identity ni 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz

Sa November 12 episode ng Victor Magtanggol, bibihagin ni Loki (John Estrada) ang buong pamilya ni Victor (Alden RIchards) pati na sina Sif (Andrea Torres) at Gwen (Janine Gutierrez).

Kaya kahit sa harap ng kanyang mga kapitbahay, mapipilitan si Victor na isuot ang kanyang mga gwantes at tawagin ang mjolnir.

Bukod dito, ibibigay na rin niya ang mjolnir kay Loki kapalit ng kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay.


Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.